Paranoia
Bago ko makalimutan.. isshare ko nalang sa madla bilang babala na rin. Sana wag nyong isipin na masyado akong paranoid kahit na totoo naman. Pero kanina...
Mga 3:30pm, lumabas ako ng condo para sunduin ang ilang mga kaibigan sa SM. Sa tapat ng entrance ng building ko, merong white van na nakaparada. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng pedicab (mga 500m mula sa gate ng subdivision), sumusunod ang white van. (Edit: Hindi simpleng sunod lang ha. 'Yung talagang tumatapat sakin, sumusubok lumapit.) Nagbukas ng bintana ang nasa passenger seat, pero di ko makita kasi madilim sa loob tsaka malabo rin mata ko at wala akong suot na salamin.
Nagpauna ito nang bahagya, mga 50m habang napakabagal nang takbo. Sa panahong 'to, sinusubukan kong sipatin ang kabuuan ng sasakyan, ang mga detalye, ang mga tao sa loob. Kaya lang ang hirap kasi heavily tinted 'yung bintana. Dahil nga malabo ang mata ko, 'di ko rin nakita kung anong sasakyan 'yun pero mukang Toyota HiAce. Isang importanteng detalye pero walang silbi sa future ay WALA ITONG PLATE NUMBER. Under registration ang nakalagay.
Hindi ako makalapit sa van, natatakot kasi ako baka bigla nila akong sunggaban at hilahin paloob ng sasakyan. Mukang wala ring kwenta ang dala kong non-folding umbrella ('yung dala ng mga nanay pampalengke). Sorry sobrang paranoid ko. Pero natakot talaga ko, kung naiimagine nyo lang. Tapos, imbes na dumirecho sa sakayan ng pedicab, kumanan ako sa subdivision 1 (sa subdivision annex ako nakatira). Lintik! Mapapalakad tuloy ako nang 2.0km pa! Pero good move 'to para sakin kasi may check point papasok sa subdivision 1. Hindi nakapasok 'yung van. Pero lilinga-linga parin ako sa takot. Alam mo na, baka hinahabol na pala 'ko nung nasa loob.
Walang ending 'tong kwento ko. 'Yan lang talaga gusto kong ishare. Baka kasi may mangyari sakin, wag naman sana. Hehehe. Pero atleast naishare ko diba. Kung pure paranoia lang talaga ang nangyare tapos ang intensyon pala ng mga tao sa van ay para magtanong ng direksyon (na imposible kasi andaming ibang tao, pwede naman dun sila nagtanong! tss!), wala namang mawawala sakin. Kekeke.
Basta. Ayan. Mag-ingat po tayong lahat. Walang mawawala kung paranoid tayo paminsan. Ilang beses na rin ako na-save ng ugali kong 'to. 'Yung engkwentro sa holdaper sa jeep, dura-gang sa jeep ulit, perverted driver sa jeep ulit, at marami pa. BAKIT BA PEYBORIT NYO 'KO MGA MASASAMANG LOOB?!
0 comments
Leave a comment, bes. ♥